Talagang di mapigilang magreact ng beteranang entertainment columnist na si Lolit Solis sa latest photo nina Bea Alonzo at Dominic Roque. 

Ayon kay Lolit parang OA na raw ang sweetness ng dalawa sa pictorial.

"Napansin din pala ng mga followers nila Bea Alonzo at Dominic Roque iyon parang OA na sweetness nila sa mga pictorial Salve. Kahit ako nagugulat na para bang mga posing na ng mag asawa ang ginagawa ng dalawa," ani Lolit 

Napansin rin ni Lolit na tila naging daring si Bea sa ilan sa kanyang post kasama si Dominic.

"Meron pa nga silang isang photo kung saan nakahiga si Dominic at nasa tabi niya si Bea na naka shorts na kung malisyosa ka iisipin mo na meron silang ginawa bago nag pictorial. Para ngang medyo very daring iyon mga photos nila together." sabi ni Lolit 

Ayon kay Lolit parang ipinakita lang daw ni Bea kay Gerald na nakamove-on na siya. 

"Meron ka ngang parang maiisip na para bang gusto lang ipakita ni Bea Alonzo kay Gerald Anderson na naka move on na siya sa ghosting nito. At para naman very unfair kay Dominic na nagagamit siya kung tutoo nga ito." 

"Bongga nga, mas parang wild pa si Bea Alonzo kay Julia Barretto, hah hah , or hindi lang showy si Gerald Anderson at mas wild si Dominic Roque." 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post