Di mapigilang maiyak ni Karla Estrada matapos inalala ang panahon kung saan naputulan sila noon ng kuryente.

Sa latest vlog ni Toni Gonzaga na Toni Talks ay na-interview niya si Karla. 

Sa nasabing interview, ikinuwento ni Karla ang hirap na dinanas nila noon ng kanyang pamilya.

"Hindi naman magiging masarap yun kung ganun kadali yun eh so ginapang talaga. I was really tested, hindi lang yung sa panganganak, pati yun sa pang-araw-araw. San ka kukuha?" sabi ni Karla 

Dito na tinanong ni Toni ang tungkol sa time na naputulan sila ng kuryente kung saan pinaypayan ni Karla ang kanyang mga anak.

Kwento ni Karla matapos raw ang kanyang turn na magpaypay ay ginising niya ang kanyang panganay na si Daniel para humalili sa pagpaypay. Nang matapos na raw si Daniel ay narinig niya ito na tila humihikbi.

"Pagkatapos niya magpaypay, tumalikod, gumanun na siya pero narinig kong humikbi," sabi ni Karla 

At dahil dito ay tinanong ni Toni kung alam raw niya kung bakit umiiyak si Daniel.

Sagot ni Karla: "Hanggang ngayon di ko naman alam kung bakit kasi ayokong tinatanong yung anak ko ng ikalulungkot niya. Parang gusto ko lang matatag siya kasi kuya siya. Hindi ko pinansin pero narinig ko. Humikbi lang siya, ako ngumangawa." 

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post