Naglabas ng kanilang saloobin sina Bianca Gonzales, Agot Isidro at Karen Davila sa pagkawala ng ABSCBN sa free tv lalo na sa panahon ng sakuna.

Kamakailan lang ay binayo ng bagyong Odette ang ilang lugar sa Visayas at Mindanao.

Kaya naman sa kanyang twitter ay naglabas ng saloobin si Agot.

Sabi niya: "Kapag may mga disaster na ganito, tutok tayo sa balita sa TV or sa radyo. Ramdam ang pagkawala ng ABSCBN ngayon. 

To the 70 congressmen and their puppet master. Hindi talaga kayo nakatulong."


Sabi naman ni Karen: "What having ABSCBN on free TV means to the public. #TyphoonOdette 

VIEWER: I just wanted to say I am feeling the loss of abs on air. I feel helpless as I want to track the effects of the typhoon pero no coverage. How sad because so many of my friends are affected."
Sabi naman ni Bianca sa kanyang Instagram stories post: "Ang daming nangangalampag sa widespread media coverage at relief.

"Magiging napakalaking tulong sana ng ABSCBN Regional Network Group sa panahon na ito.

"Madaling sabihin na "move on" sa franchise denial, peru sa ganitong pagkakataon hindi mo pala magagawa."
Photo Credits: iamsuperbianca on Instagram Stories


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post