Isiniwalat ng kapamilya star na si Barbie Imperial na humingi na ng sorry sa kanya si AJ Raval at kanya umano itong pinangaralan.



Sa artikulo ng Bandera na isinulat ni Reggee Bonoan nito lamang December 9, ay naka-usap raw nila si Barbie tungkol sa kanila ni AJ.

Ayon raw kay Babie nagmessage umano si Aj sa kanya at kanya itong pinangaralan.

“Oo, nag-message nga siya siguro four days ago. Actually unsent nga niya ‘yung message niya sa Viber, e. Di ba makikita naman pag ganu’n, ako na ang nag-message, sabi ko, ‘O AJ?’ ani Barbie

“Tapos ‘yun nga nag-sorry tapos pinangaralan ko,” dagdag pa niya

Ayon sa girlfriend ni Diego Loyzaga, sanay siyang ipinaglalaban ang sarili niya lalo na kung hindi naman totoo ang mga paratang.

“Oo nga po. E, kasi ganu’n po ako kapag hindi totoo talagang ipinaglalaban ko, kahit sa kaibigan talagang ipinagtatanggol ko,” banggit pa ni Barbie. 

Source: Bandera

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post