Lakas loob na inamin ng actor at dating Pinoy Big Brother celebrity housemate na si Albie Casino na bet niya ang co-celebrity housemate niyang si Shanaia Gomez.


"Kay Shanai lang talaga," sagot ni Albie nang tanungin kung kanino siya na-attract sa mga babae sa loob ng PBB house.

Si Albie ay kasalukuyan ngayon ngayong single.

Samantala, ayon sa actor marami raw siyang mga naging narealize sa pagstay niya sa Bahay ni Kuya.

"Hindi madali maging masaya lagi. Wala ring masaya lagi. I learned also inside the house that happiness is a choice," aniya.

"So kailangan natin, we have to want to be happy. When I wake up everyday, I try my best to be happy. I'm thankful for all the things that I have. I work hard for the things that I want so I try to be as content as possible but yeah -- I'm happy now," dagdag ni Albie.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post