Inulan ng paghanga ang komedyanteng si Chad Kinis matapos niyang sorpresahin ng maayos na tirahan ang isang homeless student.

Sa kanyang latest vlog, personal na pinuntahan ni Chad ang studyanteng si Junjun na nakatira sa tagpi-tagping tirahan sa isang bakanteng lote.

Humanga si Chad sa nasabing studyante dahil sa kabila ng kanyang kahirapan ay pursigido parin ito sa pag-aaral. Sa katunayan ay isa siyang graduating student. Isa rin siyang student leader at scholar ng kanilang paaralan. 

Taong 2010 pa raw nakatira doon si Junjun at nabubuhay lamang sa kanyang pagiging scholar.

Nang kinailangan niyang magka-laptop dahil sa online classes, isa siya sa mga lakas loob na nag-fund raising na "Piso para sa laptop" kaya naman may nagamit siyang gadget.

 Dahil wala siyang kuryente, nakiki-charge na lamang siya sa mga kaibigang kapitbahay o di kaya naman daw ay sa barangay hall. 

Matapos nito ay dinala siya ni Chad sa dorm. Hindi niya labis akalain na ang dorm na iyon ay para pala sa kanya.

"Dito ka na titira, babayaran namin lahat 'to hanggang maka-graduate ka kasi masipag kang bata" sabi ni Chad sa kanya 

Panoorin dito ang buong video:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post