Nagbigay na ng kanyang prankang reaksyon ang Fpj's Ang Probinsyano star na si Ara Mina sa tsismis na umanoy pisikal na sinasaktan ni Diego Loyzaga ang girlfriend niyang si Barbie Imperial.

Sa isang artikulo ng Pikapika, ay naitanong kay Ara ang tungkol sa nasabing tsismis.

"Well naririnig-rinig ko pero pag ano naman yan, pag may problema naman yan pag di na niya kayang i-handle she calls me asking me for an advice," ani Ara 

Ayon kay Ara, hindi raw siya naniniwalang pisikal na sasaktan ni Diego si Barbie.

"Hindi, hindi, hindi. Diyos ko naman, lahat naman ng p’wedeng ibato, p’wedeng ibato...pero unless ’yong tao mismo ang magsalita diba? I mean si Barbie or si ano Diego. ’Yong ganu’n," paglalahad ni Ara 

Sinabihan rin daw ni Ara noon si Barbie na gawin ang tama lalo na ang tungkol sa relasyon nila  Diego.

"I always tell her na do what is right and lalo na kasi mahirap pag pareho kayong nasa showbiz ni Diego Loyzaga. S’yempre I’ve been there. Nagkaroon na rin ako ng relationship na taga-showbiz. Ina-advice ko siya kung ano ang dapat n’yang gawin," sabi ni Ara 

Sinabihan rin ng actress si Barbie na wag ng pansinin ang mga rumor at magreact lang kung itoy sobrang foul na.

"Sabi ko, wag nang pansinin or as long na hindi pa naman naapektuhan ’yong family. And ano, s’yempre pag medyo sagad na, below the belt na, and sobrang foul na to the point na maapektuhan na ’yong pamilya mo and everything, ayon doon ka na lang lumaban,"sabi ni Ara 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post