Masayang kinumpirma ng kapamilya singer na si Angeline Quinto na siyang ngayon ay limang buwan ng buntis sa isang viral interview niya kay Boy Abunda.

Tapat na inamin ni Angeline sa nasabing interview, na may dalawang anak sa ibang babae ang kanyang boyfriend. 

Peru binata naman ang kanyang boyfriend dahil hindi ito kasal.

"Nakilala ko po siya dahil kaibigan siya ng boyfriend ng kaibigan ko sa Sampaloc, Manila.Nung nagkita kami isang beses, hanggang sa nagkaroon na kami ng communication, nagtuluy-tuloy. So ngayon, bale mag-iisang taon mahigit na rin po kami."kwento ni Angeline 

"Ganoon pala yun, parang alam mo agad. Matagal na rin po akong hindi nagkaroon ng relationship. Nagkakilala kami parang bago pa ang pandemic. 

"Siyempre, bago ka pumasok sa isang relasyon, meron kang makikikitang mga bagay na kumplikado, so tinanggap ko kahit alam kong may mga kumplikado sa kanya. 

"Sinabi din naman niya sa akin, Tito Boy, yung tungkol sa mga past niya, kasi po meron din siyang anak sa ibang babae.Hindi naman ako nagtanong kahit alam ko na. Hindi ako nagtanong, siya mismo [ang nagsabi]." kwento pa ng singer 

Hindi man binanggit ni Angeline ang pangalan ng ama ng kanyang anak ngunit sinabi niya na guwapo, baby face, at matanda ito ng tatlong taon sa kanya.





Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post