Usap-usapan ngayon sa social media ang video ng naging usapan nina Brenda Mage at Madam Inutz sa livestream ng Pinoy Big Brother ABS-CBN sa kumu dahil sa pamba-backstab umano ng dalawa sa kapwa nila celebrity housemate na si Alexa Ilacad. 

Sabi ni Madam Inutz: "Ako tingin ko talaga jan Karen or Alexa (ang mae-evict). Pero kung malakas ang supporters ni Alexa– 

Sabi naman ni Brenda: "Paano maganda ba editing kay TJ? E, ang ganda ng editing ni Alexa." 

Ayon naman kay Madam Inutz: "Kaya nga, e. 'Yun lang din ang pinagtataka ko. So far na andito ako, wala pa akong nakikitang nagawa (ni Alexa) as in puro lang music.

Sabi pani Brenda: "Puro lang siya music, wala nga siya ambag dito. Tingnan mo sa grupo nila, iyakin kasi wala siyang nagagawa, zero lagi ambag niya. Kanina sa tingin mo may ambag ang lakas niya? Wala rin. Sa lahat ng task, wala siya ambag. 'Yun lang 'yung sa play, kanta lang, sirena siya. Walang silbi, ganda lang talaga. Sa HOH, laging lampa. Sa lutuan naman, walang kwenta, panay pa tago ng tinapay tsaka itlog, panay lamon pa. Kapag kumakain, hindi nagpapaalam. 'Yun lang ambag niya love team love team, pero siya laging nase-save."

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post