Sa kanyang latest program ay tinawag ni Cristy Fermin ang atensyon ni Barbie Imperial matapos ang naging pahayag ng actress laban kay AJ Raval.

Sinabihan kasi ni Barbie si AJ na kung hindi ito kabit ni Diego ay magasalita siya.

"Yung about kay Aj Raval, for me kasi diba, if wala kang kinalaman, or alam mo naman na hindi ka, like kabit ni Diego, magsalita ka. Bakit gusto mo na nangyari to lahat, na nagka-thing kayo ni Diego? "sabi ni Barbie sa isang interview 

Kaya naman sa kanyang programa ay nagbigay ng mensahe si Cristy kay Barbie.

"Ineng, magkarelasyon pa lang kayo ni Diego Loyzaga, hindi pa kayo mag-asawa. Kaya wala ka pong karapatan na tawaging "mistress" ang sinumang babae na napapalapit kay Diego.

"Wala ka pang kasiguruhan kung magiging kayo. Iwasan mo yan. Pagsasabi ng ganyan. Wala ka pang pasaporte para i-brand ang isang babae na mistress. 

"Wala, wala. Kasi wala ka pang hawak na dokumentong magpapatunay na si Diego at ikaw ay kasal na."  

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post