Umalma si Louis Valderrama sa mga akusayson laban sa kuya niyang si TJ Valderama na umanoy minomolestiya nito ang celebrity housemate na si Shanaia Gomez.

Naglabas narin ng pahayag ang womens group na Gabriela matapos magtrending si TJ.

"Unsolicited touching and physical contact, even in the context of friendship or even relationship, can be a form of sexual harassment," ayon sa Gabriela.

"Maaring hindi agad napapansin subalit karaniwang hindi komportable ang biktima sa ganitong mga sitwasyon, at maari pang magdulot ng trauma," dagdag ng grupo.

Samantal sa facebook post ni Louis, ay ipinagtanggol niya ang kanyang kapatid. Hindi raw makatarungan nagte-trending na #forceevictTJ dahil umano sa pangmomolestiya ng kuya niya kay Shanaia.

"Kuya has the softest heart and he’s always been very protective of me...My kuya is the sweetest man I know. If you know my Kuya personally, alam niyong malayo sa katotohanan ang mga binibintang sa kanya. He is a very loving person, and it is heartbreaking knowing kung ano ang sasalubong sa kanya paglabas."sabi ni Louis

Apektado narin daw ang kanilang pamilya dahil sa mga bintang ng netizens.

"To my Kuya’s haters, sana po hindi niyo maranasan itong pinagdadaanan namin. The pain we feel as his family is something I would NEVER ever wish on anyone. May mga magulang po kami na nagdadala ng mga masasakit na salitang napaka madali niyo lang binibitawan," sabi pa ni Louis

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post