Nagbigay na ng kanyang reaksyon ang komedyanteng si Ogie Diaz matapos inanunsyong si Janella Salvador ang gaganap bilang Valentina sa Darna TV Series.

Sa kanyang latest showbiz update vlog, ay ni tinanong ni Mama Loi si Ogie kung anong masasabi niya tungkol sa mga netizens na nagsasabing mas aabangan raw si si Valentina kaysa kay Darna.

Sabi ni Ogie: "Kasi nga diba, ni-launch na si Darna. Eh wala naman maikukumpara kay Darna, kaya itong nai-launch na rin, o ipinakilala na rin si Valentina, dun nagkaroon ng comparison. Kaya siguro sinabi nilang parang mas kaabang abang si Valentina." 

Nagbigay rin ng advice si Ogie kay Jane de Leon na gaganap bilang Darna.

"Dapat lang wag magpalamon si Jane de Leon. Wag palamon si Darna. Dapat maramdaman yun ng mga tao. Kasi minsan may mga ganyan, hindi ‘to sa Darna, na pag alam nung taga-production na aba mas magaling umarte yung kontrabida kaysa sa bida, so sasabihan nila yung bida, ‘Uy ano ba, kumilos kilos ka. Mas namamarkahan yung acting nung kontrabida.’ Otherwise, ‘Aba teka sandali, mas importante satin ang bida. Pababain ang character ni kontrabida, bawasan ang ugali, bawasan ang eksena."

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post