Teresa Loyzaga nagsalita na kaugnay sa tsismis na umanoy nagkaroon ng matinding away sina Barbie at Diego

 

Sa kanyang latest radio program na Cristy Ferminute, ay napag-usapan nila ni Cristy Fermin ang tungkol sa tsismis na umanoy may matinding away sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial na pinakalat ng isang influencer.

Kaya naman sa kanyang programa ay di mapigilang banatan ni Cristy ang nasabing influencer.

"Dito po sa una naming oopinyunan, hindi po namin babanggitin ang pangalan o pagpapakilala ng isang legitimate influencer, Marites daw po dahil hindi dapat. Hindi para sa kanya ang oras ng pagbanggit ng pangalan. Sayang ang panahon.

"Kasi po itong taong ito na nagpapanggap na isang Marites at isang legit influencer ay kung ano-ano po ang ikinukwento sa kanyang account na mga kababalaghan.

"Unang-una po, ito pong taong ito ang nagpakalat na nagkaroon daw po ng matinding away si Deigo Loyzaga at si Barbie Imperial sa isang hotel sa Tagaytay. Sa sobrang laki daw po ng away nagwala raw po si Diego at nakapanira ng mga kagamitan sa loob ng hotel. Alam niyo po nga kapatid, kung totoo na nagkaroon ng matinding away at nagkaroon po ng epekto ang away na ito sa isang hotel room, sa palagay niyo po ba 'yung pamunuan ng hotel ay hindi pupunta sa awtoridad para i-report po ang pangyayaring ito at pagbayarin si Diego sa kanyang mga nasira?”  

Ibinahagi rin ni Cristy ang umanoy sinabi ni Teresa Loyzaga na kung saan pinabulaan nito na nagkaroon ng matinding away sina Diego at Barbie.

"Ayon kay Teresa Loyzaga na aking anak-anakan, imposible po itong kwentong ito. Unang-una, katulad ng sinabi namin, kung totoo po na nagkaroon ng pagkakasira-sira ng isang hotel room sa Tagaytay, imposible pong hindi pumunta sa authorities o sa NBI, alam mo naman mayroong opisina ang NBI do'n. Natural, pupunta do'n 'yung mga may-ari ng hotel o maging mga tauhan nila para i-report ito at siguradong si Diego ay huhulihin." 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form