Sa isang virtual media conference sa second season ng "Mary Me Marry You" ay tapat na inamin ni Paolo Avelino na lumalabas na sila dati ng kanyang leading lady na si Janine Gutierrez.

Nang tanungin ang aktor kung liligawan ba niya si Janine kung pareho silang single.

“Ako, no questions asked. Alam ko itatanggi na naman ako ni Janine; lumabas na kami dati, hindi lang natuloy. Kung mangyayari ngayong pagkakataon na ito na single siya at single ako, then okay,” 

Nasorpresa naman si Janine sa sabi ni Paolo at itinanggi niyang dine-deny niya ito "Excuse me, never ko dineny. Si Pau 'yung wala namang sinasabi." 

Sabi naman ni Paolo habang dinedepensahan ang sarili: "Kasi sinabi ko nag-date kami ni Janine dati tapos sabi niya, ‘Hindi ah. Nag-hang out lang tayo.’ So parang nasaktan ako kasi hang out lang pala 'yung dalawang beses tayo lumabas." 

Peru ininsist naman ni Janine na si Paolo lang ang nagsasabing "hang-out" lang ang paglabas nila.

Samantala ibinunyag rin ni Janine ang nadiscover niya kay Paolo.

"Nung ginawa namin 'yung pelikula, hindi pa masyadong bully si Paulo. Dito sa show, talagang lumabas 'yung tunay niyang pagkatao.

“Masaya, super saya to work with Pau and Jake (Ejercito) kasi parati nila kaming pinapakain and pagdating sa mga eksena, nagtutulungan kami. Pero 'yun talagang pinakana-discover ko, ang hirap talunin ni Paulo sa pang-aasar

Depensa naman ni Paolo

“Ako kasi, unang una, hindi pambu-bully 'yun. Pagpapa-cute yun na tine-take niya lang in another way. Pero si Janine, nung pelikula, hindi naman kami naka-lock in kasi pre-pandemic shoot iyon. Siyempre pagdating namin ng set, puro trabaho din kaagad,” he said.

“Dito kasi may mga oras in between, may mga rest day kami. Nakakapag-usap kami, nakakapagkuwentuhan kami, nakakakin kami ng sabay-sabay. Mas nakikilala mo rin hindi lang si Janine but 'yung personalities ng buong cast. Masaya. Sana nagtagal pa 'yung shoot namin pero natapos kaya medyo nalulungkot ako ngayon.”

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post