Mukhang tuloy na tuloy na ang pagpasok ni Megastar Sharon Cuneta sa longest running teleserye ng kapamilya na Fpj's Ang Probinsyano.

Sa post ng Dreamscape Entertainment sa kanilang twitter, makikitang naka-highlight ang pangalang MEGA.

“MEGA-ganda pa ang gabi niyo,”mababasa sa nasabing post ng Dreamscape Entertainment 

Marami naman sa mga tagahanga ni Mega ang na-excite matapos inilabas ang nasabing post ng Dreamscape.

Maalala na nag-umpisa ang rumor na papasok sa nasabing serye si Mega matapos niyang repost ang larawan ni Coco Martin na bida sa Ang Probinsyano kasama si Julia Montes.

Kung totoong papasok si Mega sa Ang Probinsyano, ano kaya ang magiging role niya? Excited kana rin ba? Ano sa tingin niyo mga ka-PHILTABLOID?.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post