Pumalag ang beteranang entertainment columnist na si Lolit Solis sa pangangantiyaw ng ilang netizens matapos hindi nila nalaman ang pagbubuntis ni Ellise Joson.

Maalala na nito lamang nakaraang araw ay sinorpresa ng marami nina McCoy de Leon at Elisse matapos nilang inanunsyo na mayroon na silang anak.

Kaya naman sa kanyang instagram, naglabas ng saloobin si Lolit matapos siyang kantiyawan ng ilang netizens.

Ayon kay Lolit:

"Natawa ako sa mga comments sa IG ko, Salve. Bakit daw wala akong balita tungkol sa pagbubuntis ni Elisse Joson, ang hina daw ng radar ko, dahil nagka anak ng baby girl pero hindi ko nalaman. 

"Kalokah di bah ? Pag ibinalita mo, sasabihin pakialamera at tsismosa ka. Pag hindi mo sinulat, mahina kang klase ng reporter. Kaya nga ayoko ko ng take seriously iyon mga comments. Pero meron magalang at constructive na talagang grateful ako dahil dagdag knowledge din sa iyo na mabasa ang comment nila. 

"Tutoo nga na don’t waste your time sa mga mahina ang comprehension dahil wala kang matututuhan, duon ka lang makipag usap sa mataas ang mental level para dagdag talino pa. 

"Gusto ko batiin sila Elisse Joson at McCoy de Leon, dahil buong tapang nila inamin ang tunay nilang estado. Kinuha nilang ninong ng baby girl nika si Direk Lauren Dyogi dahil gusto nila manahin ng baby ang wisdom ni Direk Lauren Dyogi. Bongga. 

"Iyan dapat ang pipili ng ninong at ninang, iyon may manahin maganda iyon baby nyo. Congrats again."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post