Nagbigay ng kanyang prankang opinyon si Lolit Solis sa pagpasok ni Sharon Cuneta sa Ang Probinsyano.

Ayon sa kanya kaabang-abang raw ang pagsasanib pwersa nina Sharon at Coco sa nasabing serye.

"Ganda naman pasok ni Sharon Cuneta sa Probinsiyano. Timing dahil dagdag excitement talaga lalo pa nga at ang haba na ng buhay ng serye. Parang ultimate na iyon guesting ni Sharon Cuneta para lalo pang maging exciting ang Probinsiyano. 

"Suwerte talaga ni Coco Martin sa seryeng ito dahil nagtagal at hindi natinag sa pagiging top rater. Iyon pagsanib puwersa nila Coco Martin at Sharon Cuneta isang malaking event para sa isang serye. Kaya tiyak na marami ang naka abang.

< p>"So far, also a good move on the part of Sharon dahil magandang balik TV para sa kanya. Ang Probinsiyano pati sa partylist parang ito rin ang magiging topnotcher gaya nuon una na pumasok ito. Iba din talaga ang naging charisma nito sa masa at publiko. Kaya nga, bongga !"sabi ni Lolit

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post