Pinayuhan ni Kuya ang celebrity housemate na si KD Estrada matapos itong i-friendzone ng kapwa niya celebrity housemate na si Anji Salvacion.

Sa video na inilabas ng "Pinoy Big Brother" nitong Martes, nilinaw ni Anji kay KD na tanging pagiging kaibigan lang ang maibibigay niya rito.

Kaya naman agad na pinayuhan ni Kuya si KDtungkol sa nararamdamang sakit niya ngayon.

Sabi ni Kuya kay Anji: 

"KD, parehas kayong may pinagdadaanan ni Anji na masakit para sa iyo. Masakit dahil may pagmamahal. Pero KD, subukan mong lakasan ang loob mo, subukan mong maging matatag dahil ipinapangako ko sa iyo na ang sakit na nararamdaman mo ngayon ay unti-unti rin 'yang mababawasan. Siguro hindi, agad-agad, hindi ngayon. Pero, magtiwala ka na darating ang araw ay bubuti ka rin," ani Kuya kay Estrada.

"Kung anuman ang naging desisyon ni Anji, ginawa niya 'yon dahil 'yon ang tingin niya na makakabuti para sa kanya at para sa iyo. At kung nasaktan ka man sa proseso bahagi 'yon ng pagmamahal mo sa kanya,"


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post