Nagreact ang beteranang entertainment columnist na si Lolits Solis sa matinding pagpayat ni Megastar Sharon Cuneta.

Sa kanyang post sa instagram, ibinahagi ni Solis ang kanyang reaksyon.

Sabi niya:

"Big news talaga iyon mula XXL ngayon medium size na lang si Sharon Cuneta, Salve. Kasi nga nakasanayan na ng lahat iyon medyo dagdag timbang ni Sharon kaya ng lumiit parang nagulat lahat. 

"Five years naman bago tuluyan pumayat, nagtiis ag talagang disiplina ang ginawa ni Sharon para ma achieve ang timbang niya ngayon. Mas maganda dahil mukha siya bata at babagayan na uli ng mga romcom material na istorya. 

"Baka nga puwede na uli sila gumawa ni Gabby Concepcion. Iyon ang talagang big news pag nangyari, isang project kung saan sila magkasama.

" Bongga talaga. Ganda ngayon Sharon, puwedeng puwede ang romcom, so ituloy na iyan, now na Salve at Gorgy. Gawin na agad, tiyak blockbuster iyan , dami parin Gabby/Sharon fans noh ! Bongga !!"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post