Nagreact na si Queen of all Talk Kris Aquino sa viral post ni Lolit Solis tungkol sa first date nila ng kanyang fiance na si Mel Sarmiento.

Sa isang instagram post, inilibas ni Lolit ang kanyang reaksyon kaugnay sa nasabing date nina Mel at Kris. 

Sabi ni Lolit: 

"Nice date naman iyon burger meal nila Kris Aquino at Senen Sarmiento nang mag-attend sila ng isang kasalan, Salve,"

"Mukha naman tunay ang happiness ni Kris at hindi put on ang pagiging sweet and clingy kay papa Senen. Sana nga, heto na, last trip na sa love life ni Kris"

Matapos makita ni Kris ang post na iyon ni Lolit, ay pinagsabihan siya na hindi Senen ang pangalan ng kanyang fiance.

"Nay, Senen is his middle name like my Bernadette. Ikaw ang nag-start na tawagin akong Tetay but I’m Kristina Bernadette Cojuangco Aquino, he is Mel Senen Sevilla Sarmiento and in fact 2nd cousin niya ang mahal natin na si Direk Chito Roño. It seems everyone from Calbayog, Samar is somehow related." 

Sinagot rin ni Kris ang tungkol sa clingy comment ni Lolit.

"Yung pagka-clingy ko, yes I am BUT also because as you’ve always known, super LAMPA ako. Nag-worsen pa now that I’m less than 95 lbs. so parating kailangan may nakabantay especially kung naka-high heels ako. I miss you & I hope you are staying healthy." 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post