Usap-usapan ngayon ang actor na si James Reid matapos magviral ang kanyang mga larawan kasama ang isang babae sa pagbisita niya sa Cebu.

Marami tuloy sa kanyang mga fans ang nagtatanong kung ang babae na kanyang kasama ang bagong nagpapatibok sa kanyang puso.

Ang mga nasabing larawan ay ibinahagi sa isang instagram post ni James kasama kanyang crew sa Careless Music Manila, ang pag-aari niyang record label.

Makikita sa mga larawan na kanyang ibinahagi na katabi niya ang isang babae.

Tila close na close ang dalawa base narin sa larawan na ipinost ni James.

Peru sa ngayon ay hindi pa malaman kung sino at ano ang ugnayan  ni James sa nasabing babae.

Narito ang post ni James( Swipe left to see all photos)

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post