Nagbigay ng payo at babala ang actress na si Karen Reyes sa kapwa niya magulang matapos isugod ang kanyang anak sa ospital.

Sa kanyang mahabang post sa instagram, idinetalye ni Karen ang nangyari sa kanyang anak at kung gaano kahirap magkasakit ang mga bata ngayon.

Ayon kay Karen: “November 4, nung nilagnat si Lukas akala ko non sa pagod lang November 5 lunchtime, kumakain pa siya at nakakadede. Nung hapon I noticed ang pamumula ng gums niya.So when I checked it up, nakakita ako ng mga singaw hanggang sa lalamunan. So ako na singawin sabi ko mawawala din. So I gave him paracetamol lang for the fever.” 

“Nov 6 I’ve decided na ipa-teleconsult na siya so binigyan siya ng antibiotic. Ang hirap niya painumin dahil una, walang laman ang tiyan niya, pangalawa masakit ang bibig niya!” 

Hanggang sa nakapagdisesyon na siyang dalhin sa ospital ang kanyang anak dahil nahihirapan na raw ito. Peru kailangan parin nilang mag-antay ng 24 hours para malaman ang resulta ng swab test at buti nalang at nagnegatibo ito.

Nang maconfined na ang kanyang anak ay dito na niya nalamang nabalutan ng singaw ang bibig ng bata.

Sa huli ng kanyang post, ay nagbigay ng babala si Karen sa mga kapwa niya ina.

“Sa mga mommies out there, ‘wag nating balewalain ang mga mga singaw kahit isang maliit lang yan dahil pwede siya magspread sa bibig since it’s viral.”sabi ni Karen 

Narito ang kanyang kabuuang post:


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post