Binisita na sa kauna-unahang pagkakataon ng actor na si Jake Cuenca ang Grab Rider na maalalang tinamaan ng ligaw na bala matapos paputukan ng mga pulis ang sasakyan ng actor.

Sa kanyang post sa instagram, ibinahagi ng actor ang mga larawan sa sa kanilang pagkikita.

Sabi ni Jake:

"Masaya ako na nagkaroon ako ng pagkakataon na madalaw si eleazar martinito ang grab driver na nasaktan sa isang insidenteng hindi ko malilimutan.

"Taos pusong pasasalamat sa mga pulis na tumulong sa iyo at naging tulay para makilala kita.

"Labis ang aking pasasalamat sa Panginoong Diyos na nasa maayos kang kalagayan kasama ang iyong pamilya. Hangad ko ang iyong patuloy na kaligtasan at nawa’y makabalik agad sa iyong trabaho.

"Nandito lang ako para sa’yo Ely!"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post