Ibinahagi ng Ang Probinsyano star na si Ara Mina ang hindi kanais-nais niyang karanasan sa bagong open na restaurant matapos siyang pag-antayin ng dalawang oras sa inorder niyang pagkain.

Kwento ni Ara, maaga raw siyang gumising para sa pictorial ng kanyang movie at hindi raw siya kumain ng lunch.

“I didn't eat lunch. Uminom lang ako ng water. Then natapos na yung pictorial,”

Kaya nakapagdisesyon ang actress na umorder nalang ng pagkain sa drive thru peru nang makita niya ang bagong restaurant ay doon na siya umorder.

"Sabi ko eto na lang try namin. Magtake out ako ng food para matry din ng daughter ko (Mandy) and ng husband ko (Dave)"sabi ng actress sa kanyang post 

Kwento ni Ara, 3:50 raw sila umorder ng pagkain peru umabot nalang ng 5:30pm ay wala parin.

Kaya siya nalang daw mismo ang nagfollow-up.

"Alam mo yung naiiyak na ko sa hilo sa gutom at uwing-uwi ka na para makasama ko pamilya ko dahil natapos ako ng maaga. Tapos after 2 hours lalabas pagkain na inorder mo. Ngayon natatraffic pa ko. Sana worth it itong food nila sa tagal ng hinintay ko. Napakasimple lang naman ng order ko,"sabi ni Ara

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post