Tila hindi na naapektuhan ang komedyanteng si Vice Ganda sa mga bashers na bumabatikos sa kanya dahil sa dami narin ng blessings na kanyang natanggap.

Sa kanyang viral tiktok video, inisa-isa ni Vice ang mga magagandang bagay na nangyari sa kanyang buhay bilang sagot niya sa kanyang mga basher.

Sabi ni Vice: "Oh my god! Ang fresh ko ngayon. And I realized ang laki pala talaga ng na-improve ng hitsura ko kumpara dati, 'no? Wow!

"And I also realized upon checking my checkbook, mas marami pala akong pera ngayon, mas yumaman pala ako this year.

"And also, I checked my room, andun pa rin 'yung dyowa ko nagpapahinga. Yes, kami pa rin. Masaya pa rin kami. Three years na.

"And earlier, I also checked on my mom. Sobra niyang happy kasi kagagaling lang namin sa Amerika. And sobra raw siya nag-enjoy kaya ang saya-saya niya.

"And also, I checked from my handler, may mga bago pala akong awards.

"Oh my gosh! Andami ko palang achievements!

"Now I wanna check on my bashers. How are you guys?

"Mas marami ba kayong pera ngayon? Mas maganda ba kayo kaysa dati?

"May dyowa ba kayo? Masaya ba kayo? Kumusta nanay n'yo? Pamilya niyo? Okay ba kayo?

"May mga bago ba kayong achievements?"

"Ha?! Hindi?! Syet! Ang lungkot nun, ha! Nakakaloka! Hindi? Ang sad."

"Kuya, daan muna nga tayo sa simbahan," utos niya sa driver niya. "Ipagdadasal ko lang ang mga bashers ko para umasenso naman. Kawawa."

Panoorin dito:

@unkabogableviceganda

Fact Check #foryou

♬ original sound - Vice Ganda

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post