Sa latest episode ng Cristy Ferminute ni Cristy Fermin ay matapang niyang isiniwalat ang text ng kanyang pinagkatiwalaang source tungkol sa treatment umano ni Direk Bobet sa mga host ng Its Showtime.

"Ito po, itinataya ko po ang pangalan ko dito. Kasi sa akin po nag-text 'yung mga taong dati niyang kasama. At ito po ay paninindigan ng mga dati niyang kasamahan at paninindigan ko rin po ang sinulat ko ngayon sa PSN (Pilipino Star Ngayon).” sabi ni Fermin

Matapos nito ay isiniwalat na ni Fermin ang natanggap niyang text.

"Merong text sa akin na ganito ang sinasabi, 'Nay, sinungaling si Bobet. Lagi niyang sinasabi, 'Ang bobo ni Vhong Navarro'. Si Vice naman, 'Basura talaga ang ugali ng bakla'. Naririnig 'yun ng mga cameramen sa headset. 'Wag siyang magsinungaling'.”

 “'Yung mga sinasabi niya, siyempre nadidinig ng mga cameramen at saka nung floor direktor. Hindi lang siya nakakadinig nu'n," 

 “Hindi siya pupwedeng magsinungaling kasi 'yung mga sinasabi niya habang nasa booth siya, nadidinig. Naka-headset ang mga floor director at cameramen.” 

Sinabihan rin daw ni Direk bobet ang isa sa mga dancer na b*bo. "Ang bob*b* talaga ang mga babaeng 'to. Magaling lang magsayaw”. 

Pwede mong panoorin ang sinabi ni Cristy Fermin dito sa tatak na 16:37.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post