Binasag narin sa wakas ni Angeli Pangilinan  ang lumabas na espekulasyon lilipat sa ibang istasyon ang asawa niyang si Gary Valenciano.

Nag-ugat ang espekulasyong ito dahil sa makabuluhang post ni Gary sa kanyang twitter.

Sabi niya: "Tweet ng 57-anyos na mang-aawit: "Hi everyone. Just wanted to see how you're all doing. Can I ask you say a prayer for me? 

"Major decisions I need to make and I hope I make the one that is truly lead by the Spirit. Thanks my friend." 

Kaya naman nitong Linggo, Oktubre 17, nilinaw ng kaniyang maybahay na si Angeli Pangilinan-Valenciano ang naglabasang espekulasyon.

Ayon kay Angeli, hindi raw lilipat si Gary sa ibang istasyon at lalong hindi ito sasabak sa politika.

"I ended up reading comments of fans and followers of Gary Valenciano when he publicly asked for prayer which he rarely does. I was amused & touched that many speculated & assumed he was leaving ABS. It was a private decision he had to make. And no he is not going into politics!" paglilinaw ni Miss Angeli sa kanyang twitter

"For the last 18 years, Gary Valenciano has been part of the Kapamilya network. They have treated him well & saw us thru his medical crisis, even giving him World of Dance Philippines after the bypass/cancer challenge. Don’t worry everyone. It was never considered," ayon pa kay Miss Angelie sa isa pang tweet.

Pinasalamatan rin n'ya ang lahat ng mga sumuporta at nanalangin para sa asawa.

"Lastly, for those who have prayed with us & for him we want to thank u. It touched us deeply that hundreds perhaps thousands prayed for him. Maraming salamat sa inyong lahat. Naramdaman namin ang pagmamahal ninyo at lungkot. Huwag kayong mag-alala. Mananatili siyang Kapamilya," pasasalamat ni Miss Angelie.










Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post