Niresbakan ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang basher dahil sa komento nito na kung saan pinagsabihan siya na nag-helicopter raw  nang magshopping ito sa New York.

Kamakailan lang ay lumipad si Mega papuntang New York para bisitahin ang kanyang anak na si Kakie.

"On my way to New York this morning to surprise KAKIE!!! Doc Noel’s birthday celebration continues in New York, and praise God for Noel because he flies his friends wherever he wants! 

"So I got to fly private again for the first time in years & slept so well for about 4 hrs.!!! And I still would’ve come to NY for my girl even if I’d had to fly with a bird," sabi ni Mega sa kanyang post 

Peru may isang netizen ang di mapigilang magkomento sa kanyang post at sinabihan siya na: "Saan ka mamimili at nkahelicopter kpa? Grabe nman yan, dto naghehelicopter lang pag me emergency n kailangang madala agad s pinakamalapit n hospital!”

Kaya naman ay niresbakan ito ni Sharon: "Umpisahan nyo po muna sana basahin captions ko mula eroplano pataas hanggang dito. Isinama and nalibre lang po kami ng kaibigan namin kaya laking pasalamat ko,"



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post