Pinalagan ni Mikee Morada ang masakit na post ni Lolit Solis matapos nitong ibinunyag na nakunanan diumano ang kanyang asawang si Alex Gonzaga.

Sinabi kasi ni Lolit sa kanyang post na: 

"Naawa naman ako sa balita na nakunan daw si Alex Gonzaga. Kasi nga worried na worried ang mga followers niya at gusto malaman ang tutoong nangyari pero may nagsabi na sa vlog na lang daw ni Alex o Toni Gonzaga hintayin. 

"Para bang ginawa ng business pati malungkot na balita. Siyempre para sa sinuman babae very sad na mawala ang baby mo, lalo at first baby nilang mag-asawa. 

"Hindi naman siguro tutoo na nagagalit ang mother Pinty nila Alex st Toni na lumabas ang balita dahil gusto nga daw nila na maging exclusive sa vlog nila. 

"Very petty ‘di ba? Dahil lang sa vlog pati ganitong balita itatago? Eh married naman si Alex, at paano itatago iyon medical record? Basta for us, get well soon Alex, at be strong. Magkakaruon ka pa uli ng baby, we pray for that." 

Matapos itong makita ni Mikee ay nagreact siya sa nagsabing post ni Lolit.

Ayon kay Mikee nasasaktan at dismayado raw siya sa isinulat ni Lolit.

"masakit at nakakadismaya naman. Hindi lang patungkol kay Alex ang inyong sinulat, tungkol ito sa amin mag-asawa. Kaya hinihingi ko ang inyong pag-respeto. Huwag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon lalo't hindi niyo naman alam ang totoong pangyayari. Salamat"





Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post