Viral ngayon sa social media ang mga larawan ng actress at asawa ng Ang Probinsyano star Richard Guttierrez na si Sarah Labahti sa kanyang ika-28th birthday.

Isang masayang camping trip ang naging celebration ni Sarah kasama si Richard at ang dalawa nilang anak na sina Zion and Kai Sa Bulod Campsite sa Tanay, Rizal.

"Can’t even begin to find the words to describe how epic and magical last weekend was... from bumpy and muddy roads to fresh air, mountains and rivers,” sabi Sarah sa kanyang post 

Masaya din ang actress na nag-bonfire sa gabi, horseback riding malapit sa ilog, nag-swimming, at sa isang cozy place kung saan ibinahagi nila ni Richard ang kanilang sweet moments.
 
Nagpasalamat din si Sarah sa lahat ng nag-organize sa kanilang masayang camping trip.

"To everyone who greeted me, thank you from the bottom of my heart,"sabi ni Sarah
 
Pinasalamatan din niya ang kanyang asawa na nagpasimuna ng kanilang masayang trip.

“Lastly, to the brains and heart of this trip, our dada, my love @richardgutz for turning this idea into reality. Thank you for this unforgettable trip and for tirelessly working on making sure this was going to be epic for all of us. I LOVE YOU,”


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post