Ipinagtanggol ng kanyang ina na si Alyssa Alvarez ang actress na si AJ Raval matapos magkaroon ito ng isyu kaugnay sa pagkakamabutihan nila ni Aljur Abrenica.

Maalala na nito lamang mga nakaraang araw ay umani ng samut-saring reaksyon sa social media ang mga larawan at video nina Aljur at AJ na magkasama sa isang mall.

Maalala din na nagviral ang ginawang pag-amin ni AJ na nililigawan siya ni Aljur at nasa stage na sila na "getting to know each other".

Samantala nilinaw naman ni Kylie Padilla kamakailan lang na hindi si AJ ang third party sa hiwalayan nila ng dati niyang asawang si Aljur.

Sa kabila nito ay ipinagtanggol ni Alyssa ang kanyang anak.

Sabi niya bored lang daw ang mga taong nakiki-alam sa buhay ng kanyang anak.

"Mga wala na cguro magawa mga taong yun.bored na bored na"

Kinukuwestiyon rin  ni Alyssa ang humusga sa kanyang anak.

"Sus cno k para humusga? Ikaw b walang nagawang kasalanan?"



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post