Hindi na itinuloy ni Kabayan Noli de Castro ang kanyang pagtakbo bilang Senador isang linggo marapos niyang magsumite ng COC.

Sa kanyang inilabas na statement ay pinasalamatan ni De Castro si Manila Mayor Isko Moreno at ang Aksyon Demokratiko party sa pagtanggap sa kanya sa nasabing partido. 

Naisip umano niyang mas makatutulong siya sa mga Pilipino sa pamamagitan ng pamamahayag.

"Isinumite ko ang aking kandidatura sa Comelec noong Biyernes. Ngunit nagkaroon ng pagbabago ang aking plano,"sabi niya sa kanyang pahayag

"Kasabay ng pagdarasal sa Poong Nazareno, napag-isip-isip kong mas makatutulong ako sa pagbibigay ng boses sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pamamahayag."dagdag pa nito 

Source: ABSCBN News



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post