Usap-usapan ngayon sa social media ang malalim na hugot ng actress na si Julia Barretto.

Sa isang virtual media conference ng "Di na Muli" ay nagbigay ng kanyang prankang opinyon si Julia kaugnay sa heartbreak.

Sa nasabing mediacon ay tinanong si Julia kung naniniwala pa ba ang isang tao kung madalas na raw itong nakakaranas ng heartbreak.

Sagot ni Julia: 

"Ang sarap kayang mawasak ang puso"

"Masarap siya kasi alam mong tumitibay ka. Masarap yung pain na ‘yon kasi alam mo sooner or later ma-oovercome mo siya. Huwag kang mawawalan ng pag-asa kasi kapag binuksan mo ‘yung pintuan na iba, it’s a whole new world,"

"Ang sarap mag-move forward, ang sarap mag-move on. Ang sarap magkaroon ng experience ng pagmamahal na magugulat ka na lang. Wag kang mawawalan ng pag-asa"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post