Di mapigilang maging emosyonal nina Ivana Alawi at Jessy Mendiola matapos ibahagi ni Alex Gonzaga ang kanyang emotional na vlog.

Ang nasabing vlog ni Alex ay tungkol sa kanyang pregnancy journey. Maalala na kamakailan lang ay ibinunyag ni Alex na nakunan siya sa unang baby nila ni Mikee Morada.

"Sana makatulong itong vlog namin na kahit masakit, there will come a time na one day, mako-cover siya ng Panginoon ng joy na ipapalit niya doon. Everyday, nagkakaroon kami lagi ng bigger hopes, napapalitan ng saya 'yung nararamdaman namin and that is really the grace of God," sabi ni Alex sa kanyang vlog 

"If ever man kami ay ma-bless uli ng Panginoon na mabuntis or magkaroon uli ng another baby, and maging successful, we might not tell it right away sa inyo lahat, netizens" dagdag pa niya 

Kapansin-pansin sa comment section ng nasabing vlog ni Alex ay nagbigay ng kanilang komento sina Jessy at Ivana.

"In Gods perfect time! We love you," sabi ni Ivana with matching crying emoji 

"Naiyak ako… yakap sa inyong dalawa..Isaiah 60:22. God will make it happen sa tamang panahon. Mahal namin ni Lu kayong dalawa! Stay strong and we will pray for your healing!" komento naman ni Jessy 



Pwede mong panoorin ang vlog ni Alex dito:


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post