Engage na ang Queen of All talk na si Kris Aquino sa kanyang non-showbiz boyfriend na si former Interior Secretary Mel Senen Sarmiento.

Sa kanyang Instagram ay sinabi ni Kris na matagal siyang nawala sa social media dahil gusto na niya ng tahimik na buhay.

"It’s been exactly 4 months since we so unexpectedly lost our brother. Sure ako, ayaw nya talagang iwanan si “bunso” na walang magbabantay at magaalaga na siguradong pinagkakatiwalaan nya.

"Somehow i believe there really was a matchmaker in heaven who must be smiling now- i can almost hear his voice telling me, “kristina, tama na, respect the fact na gusto ni Mel ng tahimik na buhay.” And finally, “bunso” has learned to obey," kwento ni Kris.

Happy naman si Kris sa ginawa niyang pag-quit sa social media dahil peaceful din ang pakikipagrelasyon niya kay Sarmiento.

"To my best friend and the man i said yes to spending the rest of my life with, thank you for as bimb said loving me for me, with no agenda, and for being just an overall good and patient man. It’s unreal how much more calm & peaceful i feel now that you’re here.

"We would never have met nor reconnected had it not been for Noy. Thank you to my kuya, kahit wala na sya ramdam na ramdam ko na kahit ilang beses kaming nagkatampuhan, kahit kailan gagawa talaga sya ng paraan na ma-assure kami nila kuya josh at bimb kung gaano nya kami kamahal at hindi talaga sya papayag na ma feel namin na kami ay mapapabayaan. We love you and we miss you.

"But THANK YOU, you must have known how broken i’d be to lose you, so you made sure there was someone who not only helped wipe away my tears, he’s made it possible for me to smile and laugh again. Dumating nung hindi ko hinahanap o inaasahan- kaya nga tama silang lahat na nagsabi in God’s perfect time.

"We agreed, what’s personal shall remain private so hanggang dito lang ang pwede kong ma share. Except i guess to say as much as i am proud to be an Aquino, looking forward na kong maging Sarmiento," ayon pa kay Kris.

Samantala na-annul na si Kris sa kanyang unang husband na si James Yap


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post