Ibinunyag ni Gigi de Lana sa isang interview ng Star Creatives nito lamang October 27 na nastar-struck siya nung una niyang makita ang kanyang leading man na si Gerald Anderson para sa serye nilang Hello Heart.

Ayon kay Gigi, kinabahan raw siya sa unang pagkikita nila ni Gerald at di raw niya alam ang kanyang sasabihin.

"Kinabahan ako, promise. Kinabahan ako nu’ng nakita kita. ‘Paano kaya ito? Seryoso kaya ito? Hindi! Wala. Ipapakita ko talaga ’yong totoong ako," sabi niya 

Kaya sa una nilang pagkikita ay sinabi agad ni Gigi na: "Uy, ang gwapo mo naman! Ganu'n agad. Hahaha!" 

"Tapos talagang ano…’yong tawa ko pinakita ko. ’Yong kakulitan ko pinakita ko na. Kasi sa akin nu’ng time na ’yon naisip ko, ‘Kung hindi ko ipapakita kung sino ako kailan pa?" dagdag pa ng actress 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post