Nagbigay ng kanyang komento ang beteranang entertainment columnist na si Cristy Fermin kaugnay sa viral na speech ni Direk Bobet Vidanes sa Lunch Out Loud na kung saan ipinaliwanag niya kung bakit siya umalis sa Its Showtime.

Sa nasabing speech ay sinabi ni Direk Bobet na kaya siya umalis sa Its Showtime dahil hindi na raw healthy ang environment doon.

"Yung pagtatrabaho ko po sa kabila, hindi na po healthy. Mamamatay po akong maaga, ang ganda nung programa pero it’s not healthy anymore. To make it short lang, I’m here sa ‘Lunch Out Loud’ or any program, no pressure, ayan happy naman. It’s not about the money, it’s about health" sabi ni Direk Bobet 

Peru sa latest episode ng "Crity Ferminute" ni Cristy Fermin ay ibinahagi niya na isang pinagkatiwalaan umano niyang source ang nagbahagi sa kanya tungkol sa naging reaksyon ng mga host sa Its Showtime kaugnay sa speech ni Vidanes.

"Mayroon akong isang source, na hindi nanununog at nangunguryente, na nandoon mismo sa studio ng 'Showtime' na nagkwento sa aming magkakaibigan na pinagtatawanan talaga ng mga host ng ‘Showtime’ 'yung drama-dramahan nitong si Direk Bobet sa entablado na tinawag nilang 'crocodile tears', luha ng buwaya. Ibig sabihin walang sinseridad, puro arte lang at pagsisinungaling."

1 Comments

Dont Forget to Leave a comment

Unknown said…
Umalis ka ng walang Paalam sa Matagal mo ng kasama.
Previous Post Next Post