Ipinakilala na ang beteranong direktor na si Chito Roño na magdi-direk sa Darna TV series na pagbibidahan ni Jane de Leon.

Magsisimula na ang kanilang taping ngayong darating na Nobyembre.

Sa mga hindi nakaka-alam, si Roño ang direktor sa matagumpay na kapamilya teleserye na “Imortal,” “Lastikman” at “Spirits,”.

Siya rin ang direktor sa mga pelikulang “Feng Shui,” “The Ghost Bride,” “Dekada ‘70” at “Bata Bata Paano Ka Ginawa?”

Maliban kay de Leon, ipanakilala narin kamakailan si Iza Calzado na gaganap bilang "unang Darna" na kung saan ipapasa nito ang bato kay Jane.



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post