Naglabas narin ng kanyang pahayag ang actor na si Aljur Abrenica matapos ang viral na "Breaking Silence" post.

Sa presscon ng kanyang bagong pelikula, ay di maiwasang matanong tungkol sa kanyang nasabing post na ngayon ay deleted na.

Ayon kay Aljur, hindi niya raw intensyon ng i-post iyon peru kailangan niya raw ito gawin.

Hindi narin daw niya masyadong  pinalawak ang detalye lalo't asawa parin daw niya si Kylie at ina ito ng kanyang mga anak.

"And I can still say na she was the love of my life. Talagang minahal ko yung babaeng iyon. I valued our family more than anything. So, I was really affected nung nangyari 'yon. And out of respect sana, 'di ba pamilya ko pa rin sila? May pagkakamali rin ako." 

"For the sake of our children, gusto ko lang matapos 'to. Hanggang doon na lang. She's still the mother of our children. May pinagsamahan pa rin kami" 

Sana, hinihingi ko po sa inyo, na para sa mga bata, at para sa pinagsamahan namin ni Kylie, nagpapasalamat kami sa inyo," ayon kay Aljur ng makapanayam siya ng Cinema Bravo



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post