Matapos aminin ni AJ Raval ang tungkol sa namamagitan sa kanila ni Aljur Abrenica ay masayang ibinahagi nito kung paano siya nililigawan ng actor.

“Parang old school po. Pumupunta po siya sa father ko, nagpapaalam po siya sa mother ko, sa family ko,” sabi ng actress sa interview sa kanya ng DZRH

“Hindi naman po natin masisisi yun dahil babae po ako. Tinatanggap naman po siya,”dagdag pa ng actress

Aware rin daw si AJ kaugnay sa sitwasyon ni Aljur at ex-wife nitong si Kylie Padilla. Ayaw narin daw ni Aj na pag-usapan ito.

"Napapag-usapan naman po namin ang mga ganung bagay. I think napag-usapan naman po nila [ni Kylie] ang ganito.

"Sinabi niya po sa akin… Pero ayoko naman po sanang pag-usapan ang sa kanila.

"Pero okay naman po sila."

Inamin rin ng actress na may posibilidad na ma-inlove siya sa actor. Wala rin daw siyang paki-alam sa sasabihin ng ibang tao.

 “To be honest, wala naman din po akong care sa sasabihin ng ibang tao as long as masaya po ako, wala po akong tinatapakang ibang tao.

Alam ko po ang ginagawa ko. Alam ko po ang priorities namin. So, siguro po yun lang po. Wala na rin po akong care.

Hindi ko lang po iisipin as long as wala naman po akong tinatapakang tao.” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post