Inamin ng bagong kapamilya star na si Sunshine Dizon na kinikilig siya sa tuwing sinasabi niyang siya ay Kapamilya

Maalala na nito lamang April 2021, ipinakilala bilang bagong kapamilya si Sunshine matapos hindi niya i-renew ang kanyang kontrata sa GMA NETWORK.

Ang kauna-unahang project ni Sunshine sa ABSCBN ay ang "Marry Me, Marry You" na pagbibidahan nina Paulo Avelino at ang bagong kapamilya na si Janine Gutierrez.

Sa press conference ng Marry Me, Marry You nito lamang September 2 ay tinanong ng Philippine Entertainment Portal si Sunshine kung kumusta siya tuwing binabanggit niyang siya ay Kapamilya.

"Nakakakilig. Kasing kilig nitong Marry Me, Marry You. Hahaha!"

Hanggang sa ngayon hindi parin daw makapaniwala si Sunshine na isa na siyang ganap na Kapamilya.

"Parang hindi pa rin totoo minsan. Pero it's just very heartwarming that they welcomed me with open arms and it's a very good project."

Nagpapasalamat din si Sunshine sa kapamilya network sa mainit na pagtanggap nito sa kanya.

"Thank you, thank you for opening your house and welcoming me as a Kapamilya. Salamat po."


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post