Usap-usapan ngayon sa social media ang latest post ni Rita Gaviola o mas kilala bilang "Bajao Girl".

Ito ay dahil sa kanyang makahulugang post sa Instagram na tila nagpahiwatig na sasali sa Miss Universe.

“Soon sasali na tayo sa miss u,” sabi niya sa kanyang post 

Marami namang netizens ang nagpakita ng suporta sa comment section ng kanyang post.

“SALI KA NA PO SA MIS U NEXT YR PLS,” sabi ng isa niyabg follower 

Marami ring netizens ang nakapansin pansin sa pagbabago ng itsura ni Gaviola na makikitang posturang-postura na sa kaniyang mga litrato sa social media. 

“Oh my Gosh, ang ganda! What a transformation from her humble beginnings,” komento ng isa niyang follower.

Si Rita ay unang nakilala noong 2016 nang mag-viral na nanlilimos kasama ang kapatid sa kasagsagan ng Pahiyas Festival. Sinundan ito ng pagkakapili sa kaniya upang pumasok sa Bahay ni Kuya sa “Pinoy Big Brother: Lucky 7” kung saan binansagan siyang “Badjao Girl ng Lucena.”

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post