Malaki ang pasasalamat ng dating sidekick ni Cardo (Coco Martin) na si Onyok (Xymon Pineda) na naging bahagi siya sa sikat na palabas na Fpj's Ang Probinsyano.

Si Onyok ay bahagi ng original cast ng nasabing serye na nagsimula noong September 2015 na kung saan gumanap siya bilang best friend ni Cardo.

Si Onyok ay umalis sa nasabing serye noong May 2017 nang muli silang magkita ng kanyang long-lost mother na ginampanan ni Alessandra de Rosi.

“Nakasama ako sa isang sikat na palabas, at sobrang babait ng mga sikat na artista. Nagpapasalamat ako kay Lord kasi ginawa niya akong bahagi ng ‘Ang Probinsyano,’” sabi ni Pineda 

Ginawa rin ulit ni Onyok ang kanyang signature line na “Hay nako! Ayos!”

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post