Kumpirmado na raw ang paglipat sa Kapamilya Network ng versatile actress ng Kapuso Network na si Lovi Poe.

Sa artikulo na isinulat ni Joe Barrameda ng NewsKo, isang taga GMA-7 raw ang nagkumpirma sa tuluyang paglipat ni Lovi sa ABSCBN.

Ayon pa sa nasabing artikulo, nilatagan naman daw ng magandang offer ang kampo ni Lovi, pero siguro raw ay mas maganda ang offer na nakuha nila mula sa Kapamilya Network.

Kung totoo man ang balitang ito, for sure maraming mga kapamilya fans ang masisiyahan sa paglipat ng actress.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post