Nagulantang ang komedyanteng si Ogie Diaz sa kumakalat ngayon na bali-balitang lilipat raw sa GMA-7 ang King of All Talk na si Boy Abunda.

Sa kanyang showbiz update vlog kasama si Mama Loi ay nagapag-usapan nila ang nasabing tsismis.

Sabi ni Mamal Loi: “Nay gaano kaya katotoo itong nakuha kong impormasyon na meron daw isang showmaster na mula sa Kapamilya channel na lilipat sa Kapuso channel?. Pero hindi pa raw nagkakasarado kasi hindi pa nagkakasundo sa contract price,” 

Tanong ni Ogie: “Blind item ba ‘yan?” 

Sagot ni Loi: “Simula nga ito sa blind item pero sa rami ng humula sabi nila si Tito Boy Abunda raw ito,” 

Nagulat naman si Ogie sa sabi ni Mama Loi: “Ha?  Si Kuya Boy Abunda from Kapamilya magiging Kapuso na?” 

Sabi naman ni Loi: “Oo raw pero sabi ng friend kong taga-GMA 7 ‘yun nga under nego pa. Hindi pa nagkakasarado sa presyo,” 

Sabi naman ni Ogie “Si kuya Boy daw ‘yun sabi ng friend mo? Alamin natin ‘yan kay kuya Boy kung totoo nga na me negosasyong namamagitan quietly or secretly between him and GMA management.”

Sabi pa ni Ogie “Si kuya Boy naman ‘yung tipo na hindi mo maaawat dumaldal kasi hanapbuhay niya ‘yan, hanapbuhay niyang mag-share ng knowledge, di ba through speaking sa audience niya.

“So feeling ko, e, baka naman totoo na si kuya Boy, e, magiging Kapuso na? E, dati na rin namang Kapuso si kuya Boy bago naging Kapamilya.  Ang importante lang naman dito, e, dapat hindi tayo nagsusunog ng tulay. 

“Kasi marami rin naman akong kilala na Kapamilya naging Kapuso tapos kung anu-anong sinasabi (paninira) against Kapamilya kaya feeling ko ‘yung mga ‘yun hindi makakabalik. 

“Si kuya Boy puwedeng maging Kapuso muna siya habang wala pang prangkisa ang Kapamilya kung totoo, ah?  

“Eventually pag meron ng prangkisa ang ABS-CBN, e, welcome naman si kuya Boy.” 

Panoorin dito ang video sa ika- 10:45 na marka ng video:




Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post