Trending sa twitter ang Its Showtime na si Kim Chiu dahil sa mali niyang nasabi na bible verse sa isang episode ng Tawag ng Tanghalan sa Its Showtime na kung saan ang pangalan ng isang contestant ay Psalm Manalo.

"Ang ganda ng pangalan niya, Ma, ano? Psalm. Parang mga gospel iyan sa Bible.”sabi ni Kim

 Sumagot naman si Vice ng :“Psalmo, Psalmo,”

Matapos nito ay nasabi ni Kim ang maling isang bible verse: “Psalm 3:16 For God so loved the world, He gave up His only son, di ba?”

Sa twitter ay itinama ng isang netizen ang nasabing mali na bible verse ni Kim.

"John 3:16 kasi yon kim luv pa rin kita @prinsesachinita #TNT5AngHulingTapatan," sabi ng netizen 

Aminado naman si Kim sa kanyang pagkakamali at humingi ng pasensya sa mga netizens: "Thank you hehe sensya po.."


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post