Ejay Falcon inalala ang pagiging kargador niya noon sa Mindoro

 

Inalala ng dating Pinoy Big Brother big winner Ejay Falcon ang kanyang buhay noon sa Mindoro.

Kwento ni Ejay sa kanyang facebook post, 15 years ago ay isa lamang siyang ordinaryong bata sa Mindoro na rumaraket bilang Kargador para makatulong sa kanyang pamilya.

"Mapagpalang Araw po Mga Kakampi-Kababayan😊Share ko lang po:) . 15 years ago , isa akong ordinaryong binata sa Mindoro na rumaraket bilang kargador para makatulong sa pamilya at pambaon sa School"

Sako sako raw ng kopra ang binubuhat nila kasama ang kanyang kaibigan.

"Sako sako ng kopra ang binubuhat ko kasama ang aking mga kaibigan bilang ito ang isa sa pangunahing hanapbuhay samin sa Bacawan Pola Oriental Mindoro."

Kwento pa ni Ejay: "Nakakatuwa pag nakikita ko ang mga pictures ko noon dahil hindi lang pisikal na anyo ang nagbago sakin kundi pati buhay at pagkatao ko. Isa itong paalala kung gaano ako kablessed sa buhay dahil sobra sobra pa sa pinangarap ko ang pinagkaloob sa akin, Kaya kahit papano sa abot ng aking makakaya ay pinagsisikapan ko na tumulong mabless din ang ibang tao sa aking sariling pamamaraan."

"Sana naiinspire ko ang mga kapwa ko Mindoreño lalo na ang mga kabataan na patuloy na magpursige para umasenso sila sa buhay. Huwag matakot Mangarap, Dahil sa PANGARAP NAG UUMPISA ANG TAGUMPAY🙏💚                                                #KayaMoYan🙏💚                                            #ProudMindoreño🙏💚"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Advertisement

Advertisement

Contact Form