Nagsalita narin sa wakas ang kapatid ni Mahal na si Irene Tesorero sa biglaang pagpanaw ng komedyante.

Ikinuwento ni Irene sa isang interview nito kay Boy Abunda ang sakit na kanyang nararamdam sa pagpanaw ng kanyang kapatid lalo't hindi pa sila nabigyan ng pagkakataon magka-usap matapos ang kanilang tampuhan.

Kwento pa ni Irene, labis raw na nagluluksa si Mahal dahil sa pagpanaw ng kanilang ama nito lamang Agosto. Ayon raw sa kanyang mga kapatid nagkakasipon raw ito kapag na-iistress.

Nagpapasalamat din si Irene kay Mygz Molino dahil sa pag-aalaga nito kay Mahal.

Aniya, kung maibabalik lang niya ang linggo bago nangyari ang kanilang di pagkakaunawaan, hindi na lang daw sana siya nagsalita at hindi niya na lang sinabi ang mga bagay na kanyang sinabi kay Mahal. 

Narito ang buong interview:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post