Inalala ng dalawa sa pinakamagaling na actor na sina Mon Confiado at Joross Gamboa ang pagiging parte nila sa "Fpj's Ang Probinsyano" 

Sa video na inilabas ng Dreamscape Entertainment ay ibinahagi ni Joross na gumanap bilang Tanggol  ang kanyang pasasalamat na naging parte sa nasabing serye.

"Thank you sa lahat nang bumubuo ng 'Ang Probinsyano' at naging parte ako nito. Hanggang ngayon proud ako na maging si Tanggol," panimula ni Jorros

'"Ang Probinsyano' ang isa sa pinakamatagal na shows ng ABS-CBN, ibig sabihin talagang napakaganda ng palabas na ito. Maraming, maraming salamat and happy anniversary sa inyo," dagdag pa nito 

Samantala nagpaabot rin ng mensahe si Mon na gumanap bilang si Mr. Cheng Lao na miyembro ng Hong Kong triad.

'"Yung mga habulan namin ni Cardo sa Hong Kong napaka-memorable nun. May kasabihan po sa mundo ng telebisyon na kapag ikaw daw ay hindi pa nakapag-guest sa 'FPJ's Ang Probinsyano,' hindi pa kumpleto ang iyong pagiging artista"sabi ni Mon 

"Happy 6th anniversary! Mabuhay po kayong lahat!"dagdag pa nito



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post