Ibinunyag ni Megastar Sharon Cuneta na meron raw siya ngayong matinding pinagdadaanan ngunit hindi niya sinabi kung ano ito.

Sa kanyang online post, ay ibinahagi niya ang kanyang pagkabigla at pagkalungkot sa pagpanaw ng kanyang impersonator na si Ate Shawee o Marvin Martinez sa totoong buhay.

"I will spare you details of others I have lost recently too, as well as what I have been having to deal with. May mga dinadala pa po ako ngayon pero ayoko ng sad kayo kaya pakipagdasal na lang po ako,"nalulungkot na pagamin ni Mega sa kanya ngayong pinagdadaanan na hindi niya sinasabi

Ibinunyag rin ni Sharon na tahimik lang siya ng makabalik sa Manila dahil sa mga problema na kailangan niyang lagpasan.

"Kaya rin po kahapon pa ako ng umaga nakabalik sa Manila, pero quiet na quiet lang po ako dahil may mga problemang kailangan lagpasan. Never naman ako pinabayaan ng Panginoon kaya sure ako lilipas din ito,"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post